KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•pák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog na nalilikha ng bibig kapag kumakain.

2. Suntok sa mukha.

Paglalapi
  • • sumapák: Pandiwa

sá•pak

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbali sa sanga, lalo na sa dákong punò nitó.
SANGÁL

2. Dákong kinabalian ng sanga ng punongkahoy.

Paglalapi
  • • sumápak: Pandiwa

sa•pák

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Maingay na pagnguya.

2. Balî sa dákong punò (tulad sa sanga ng punongkahoy).

3. Nakabaón nang sagad.

4. Labis ang ganda.

5. Punô ng husay.

Paglalapi
  • • pagsapák, pananapák: Pangngalan
  • • masapák, nagsapákan, nasapák, pinasapák, sapakín, sinapák, sumapák: Pandiwa
  • • sapák: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?