KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

san•dál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghílig o pagsalalay ng ulo o likod sa anuman o sinuman.

2. Pag-asa sa tulong ng iba.
SANDÍG

Idyoma
  • Kaibígang masasandalán
    ➞ Malapít na táong mapupuntahan at handang tumulong o sumuporta kung may problema.
    Salamat at parati kang nariyan, isa kang kaibígang masasándalan.

san•dál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakasandig o nakahilig sa anuman.

Paglalapi
  • • sandálan: Pangngalan
  • • isandál, isinandál, makisandál, nakisandál, pagsandalán, pasandalín, pinasandál, sandalán, sumandál: Pandiwa

san•dál

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Ihilíg o isalalay ang ulo o likod sa anuman o sinuman.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.