KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sam•bú•lat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsabog o biglang pagtilapon ng mga piraso ng anuman (tulad ng nangyayari sa isang bagay na pumuputok).

2. Biglang pagkalat ng mga lihim.

sam•bú•lat

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakakalat o walang kaayusan.

Paglalapi
  • • pagsambúlat: Pangngalan
  • • isambúlat, isinambúlat, magsambúlat, manambúlat, masambúlat, nagsambúlat, pasambulátin, sambulátin, sumambúlat : Pandiwa
  • • sambúlat: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.