KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sal•bá•he

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
salvaje
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Táong mapaggawa ng kapilyuhan, hindi sumusunod sa utos, at hindi mapagkakatiwalaan.

sal•bá•he

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
salvaje
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Mapaggawa ng kapilyuhan, hindi sumusunod sa utos, at hindi mapagkakatiwalaan.
SARAGÁTE

2. Tingnan ang malupít

Paglalapi
  • • kasalbahíhan, pagkasalbáhe, pananalbáhe: Pangngalan
  • • manalbáhe, nanalbáhe, sinalbáhe, sumalbáhe: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.