KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Magaan at dahan-dahang paghipo sa anuman ng isang bulag o malabo ang mga mata o ng isang may malinaw na paningin ngunit nása dilim ang bagay na kinakapa.
DAMÁ, HIPÒ, KAPÂ

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kadahupan o pagdarahop sa anuman.

2. Pagkakaroon ng malubhang pagkukulang o kawalan ng anumang bagay na mahalaga sa kabuhayan o pamumuhay.

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Naghihirap o said sa kabuhayan.
DUKHÂ

Paglalapi
  • • pagkasalát: Pangngalan
  • • ikinasalát, masalát, nasalát, sinalát : Pandiwa

sa•lát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nahihipo (kung sa bagay na bahagyang nakalitaw).

Paglalapi
  • • pagsalát, pananalát : Pangngalan
  • • ipansalát, magpasalát, magsalát, manalát, nagpasalát, nagsalátan, nasalát, pasalatín, pinasalát, salatín, sinalát, sinasalát, sumalát: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.