KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•ka•lì

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

1. Kapag nagkataon o kung magkakataon.
Sakáling wala ka nang masakyan sa pag-uwi, bumalik ka na lámang dito.

2. Tingnan ang maráhil

Paglalapi
  • • pasakalì: Pangngalan
  • • pasakalì: Pang-uri
  • • bakâ-sakalì, pabakásakalì, saká-sakalì: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.