KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sú•hol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Halaga o anumang bagay na ibinibigay sa kapuwa sa layuning mapawalang-saysay ang anumang paratang.
LAGÁY, KALAÁWI, PABAGSÁK, SOBÓRNO

2. Pagbibigay ng salapi o anumang mahalagang bagay sa isang alagad ng batas o maykapangyarihan upang mapawalang-saysay ang anumang paratang o sakdal laban sa kaniya.

Paglalapi
  • • pagpapasúhol, pagsúhol, panunúhol : Pangngalan
  • • ipanúhol, magpasúhol, magsúhol, masuhúlan, pasuhúlan, pasuhúlin, suhúlan, sumúhol: Pandiwa
  • • mapagsúhol: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.