KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•láng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bakás ng landas sa kabundukan o kagubatan.

2. Hanging nagbubuhat sa timog-silangan.

sí•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsisilang ng isang ina kaniyang sanggol.
LUWÁL

2. Pagsikat ng araw.

Paglalapi
  • • pagsílang: Pangngalan
  • • sumílang, isinílang, isílang, magsílang, nagsílang: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.