KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ráng•go

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
rango
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Katayuan ng anuman kompara sa mga ibang katulad.
Nása ika-33 sa buong mundo ang ránggo ng Pilipinas sa talaan ng mga bansang may mataas na literasiya.

2. Angking antas sa opisyal na herarkiya ng anumang pangkat.
Makikita mo sa kaniyang uniporme na mataas ang ránggo ng sundalong iyon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.