KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•luk•só

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
luksó
Kahulugan

PANGINGISDA Baklad na panghúli ng dalag sa mga ilog o sapang malapit sa Look Laguna kung kumakáti ang tubig, may dalawang tíla pakpak na nagsasalikop sa bangkulong na hugis-puso, at platapormang dinaraanan ng dalag, at sa tabi ang pabahay na pinagtitipunan ng húli.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.