KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Malaki at hugis-kutsarang pansalok ng lupa, buhangin, at iba pang buhagbag na materyal na karaniwang yarì sa makapal na yero o asero.

Paglalapi
  • • magpála, paláhin, pumála: Pandiwa

pá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Sa sugal, ang mananayang kasabwat ng bangkâ.

pá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Sa bapor, ang pinakaelising nakakabit sa tagiliran.

pa•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang tinamong pakinabang o pinsala dahil sa isang bagay na ginawa.

2. Pagtatamo ng pakinabang.

Paglalapi
  • • ipalâ, makapalâ, mapalâ: Pandiwa

pa•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang grásya

2. Tingnan ang gantimpalà

3. Pagkalingà o pag-aalaga sa isang nangangailangan ng tulong.

Paglalapi
  • • pagpapalà: Pangngalan
  • • ipagpalà, magpalà, pagpaláin: Pandiwa
  • • mapagpalà, pinagpalà: Pang-uri

pa•lá

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Katagang ginagamit para sa anumang hindi inaasahan, gúlat, o biglang pagkakatanto.
O, nandito ka palá!

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.