KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ha•han•dâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
handâ
Kahulugan

1. Pagsasagawa ng mga hakbang upang maging laan sa anumang mangyayari o bílang pagtanggap sa hinaharap.
Maiging may paghahandâ ng kalooban sa anumang kalalabasan ng eksam.

2. Paglalagay sa wastong kaayusan o kalagayan para sa paggamit sa hinaharap.
Abalá ang buong pamilya sa paghahandâ ng bahay para sa pista.
PRÉPARASYÓN

3. Pagkakaroon ng kainan, salusalo, o piging.
Tradisyon na sa maraming probinsiya ang paghahandâ kung piyesta.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.