KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ga•náp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
ganáp
Kahulugan

1. Pagsasagawa ng papel sa anumang pagtatanghal.
Kahanga-hangang pagganáp ang nakita ko sa pelikulang iyon.

2. Pagsasakatuparan sa isang tungkulin o gawain.
Huwaran ang kaniyang pagganáp bilang haligi ng tahanan.
AKTUWASYÓN, EHEKUSYÓN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.