KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•bag•sák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
bagsák
Kahulugan

1. Pagkalaglag mula sa mataas na kinalalagyan.

2. Pagkalugi ng puhunan.
Hindi niya inaasahan ang pagbagsák ng kanilang negosyo.

3. Hindi pagtatagumpay; hindi pagkapasá.
Hindi dapat ikasira ng kumpiyansa ang pagbagsák sa pagsusulit.

4. Paghina ng isang institusyon, negosyo, at iba pang katulad.
Sumunod sa pagkamatay ng hari ang pagbagsák ng imperyo.

5. Pagsuko o pagkabihag ng kaaway.
Kapabayaan sa tungkulin ang dahilan ng kaniyang pagbagsák.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.