KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag-í•big

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
íbig
Kahulugan

1. Masidhing damdámin ng tao na nag-uugnay sa isa’t isa bunsod ng pagnanasà o pagmamalasákit.
AMÓR, APEKSIYÓN, GÚGMA, PAG-ÍROG, PAGGÍLIW, PAGMAMAHÁL, PAGSINTÁ

2. Malaking interes sa isang bagay o paksa.

Paglalapi
  • • pag-iibigán, pakikipág-ibigán: Pangngalan
Idyoma
  • búnga ng pag-íbig
    ➞ Anák.
    Isang malusog na batang lalaki ang búnga ng pag-íbig nilang mag-asawa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.