KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pí•no

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
fino
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

BOTANIKA Punongkahoy (genus Pinus) na mahahaba ang dahon at laging lungtian, karaniwang matatagpuan sa malalamig na pook.

pí•no

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
fino
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Maliit na maliit; durog na parang pulbos.

2. Hindi magaspang kung sa sinulid.

3. Tingnan ang makínis

4. Tingnan ang magálang

Paglalapi
  • • magpíno, mapíno, pinúhan, pinúhin: Pandiwa
  • • mapino: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.