KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•lós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Isdang nakahahawig ng igat ngunit higit na malaki at sa tubig-alat nahuhúli.

Paglalapi
  • • pamalós: Pangngalan
Idyoma
  • madulás pa sa palós
    ➞ Napakabilis umiwas kayâ hindi mahúli.

pá•los

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbalik o pag-iba ng direksiyon ng liwanag, init, tunog, atbp. na tumatama sa isang bagay.

2. Paglitaw ng larawan ng anumang maharap sa salamin; repleksiyon.

Paglalapi
  • • ipálos: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.