KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•un•lád

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
unlád
Kahulugan

1. Bumuti ang kalagayan o sitwasyon.
Mayroon namang mga Pilipino na maunlad ang pamumuhay sa ibang bansa.

2. Sumulong, lumago, o lumaki.
Mahusay ang pamamalakad ni Jake kayâ maunlád ang kaniyang negosyo.
ADELANTÁDO, BUHÁY, MATAGUMPÁY, MASÚLONG, PROGRESÍBO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.