KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•pu•ról

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
puról
Kahulugan

1. Hindi matalim o matalas.
Ang nabili ni Dante ay mapuról na kutsilyo.
PULPÓL, PUNGÓL, PANGÓD

2. Mahina ang pang-unawa.
Mapuról ang ulo ni Fred kayâ mahirap siyáng makaunawa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.