KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•hál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pag-uukol ng tanging pag-ibig kaninuman.

Ma•hál na Á•raw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

TEOLOHIYA Sa Kristiyanismo, ang buong linggo na nakalaan sa paggunita sa paghihirap at kamatayan ni Hesukrito hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay.
SEMÁNA SÁNTA

ma•hál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Mataas ang halaga o presyo

2. Tingnan ang minamahál

3. Tingnan ang mahalagá

4. Tingnan ang dakilà

Paglalapi
  • • pagmamahál, pagmamahálan: Pangngalan
  • • magmahál, mahalán, mahalín, mamahalán, minahál: Pandiwa
  • • mámahálin: Pang-uri
Idyoma
  • mahál na táo
    ➞ Táong búhat sa marangal na angkan; maginoo.
    Isang tunay na mahál na táo sa ayos at pangungusap ang aking nakausap.
  • mahál na ugalì
    ➞ Maganda at mabuti ang kaloóban.
    Namana niya ang mahál na ugalì ng kaniyang magulang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.