KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•á•ga

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Salitang-ugat
ága
Kahulugan

Sa paraang una sa inaasahan o karaniwang oras.
Maágang matatapos ang eksamen kung nakahanda ang mga mag-aarál.

ma•á•ga

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
ága
Kahulugan

Una sa takdang panahon.
Maága si Mina sa pagsumite ng test paper.
ADELANTÁDO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.