KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mí•ting de-a•bán•se

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
meeting de avance
Pinagmulang Wika
Español, Ingles
Kahulugan

Panghulíng miting na pangkalahatan ng mga kandidato ng isang lapiang pampolitika bago mag-eleksiyon, karaniwang idinaraos sa plasa ng bayan.

mí•ting

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
meeting
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Tingnan ang púlong

2. Tingnan ang sesyón

Paglalapi
  • • mitingán, pagmimíting, pamíting, pinagmitíngan: Pangngalan
  • • magmíting, magpamíting, mitíngin, pagmitíngan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.