KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•kô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpunta sa dákong kaliwa o kanan ng landas na tinatahak.
KÚRBA

2. Pagkalihis ng isang bagay mula sa anyong tuwid.

Paglalapi
  • • likuán, paglikô: Pangngalan
  • • lumikô: Pandiwa
  • • palikô-likô: Pang-uri

li•kô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakalihis mula sa anyong tuwid.
BALIKÔ, BALIKUKÔ, BALUKTÓT, KILÔ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.