KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•síng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-iinom ng alak, karaniwang kung labis o nawawala sa normal na kilos at pag-iisip.
BARTÉK, BASÁG-HINGÁW

2. Tawag din sa táong kakikitahan ng mga bisa ng alak.
Maraming lasíng sa gabí kayâ mag-iingat ka.

Paglalapi
  • • lasinggéro, lasénggo, lasíngan, pagkalasíng: Pangngalan
  • • lasingín, lumasíng, malasíng: Pandiwa

la•síng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Wala sa normal na kilos at pag-iisip dahil sa mga bisa ng alak o labis na pag-inom.
KARGÁDO, BURÁT, LANGÓ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.