KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•pí•rot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paglukot at pagdurog sa pamamagitan ng mga dulo ng daliri.
PÍRAT, PÍROT

Paglalapi
  • • ipalapírot, lapirútin, maglapírot: Pandiwa
  • • lapirót: Pang-uri

la•pi•rót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nalukot o nadurog sa pamamagitan ng dulo ng mga daliri.
Lapirót na ang saging nang kunin niya sa bata.
LAPIRÁT, PÍRAT, LAPURÍT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?