KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•gis•lís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog na nalilikha ng pagkikiskisan ng mga dahon ng halaman (lalo na ng mga dahon ng kawáyan at isis) o ng nalaglag na sanga mula sa itaas ng punongkahoy at dumaraan sa ibang sanga.
LAGANÁS, LAGANÁT, LAGASLÁS

2. Tunog ng malakas na ulan lalo na kung may hangin.

3. Pagtaas ng damit o palda kapag nakahiga, lumalakad, o naitaas ng hangin.
BULISLÍS, LISLÍS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.