KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•gót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang patíd
Lagót ang kuwintas niya matapos hilahin ng magnanakaw.

2. Pagagalitan o pananagutin dahil sa ginawa.
Lagót ka sa kalokohan mong ’yan.

Paglalapi
  • • pagkalagót: Pangngalan
  • • lagután, lagutín, lumagót, malagót, nilagót: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.