KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•gá•nap

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Kumalat nang malawakan, karaniwang iniuukol sa mga bagay na hindi nahahawakan, tulad ng balita, sakít, atbp.
Lagánap ang sakít na dengue tuwing tag-ulan.
KALÁT, LIPANÀ, PALASÁK, TALAMÁK

2. Karaniwang nangyayari.
LAGÁP

Paglalapi
  • • pagpapalagánap, tagapagpalagánap: Pangngalan
  • • laganápan, lumagánap, magpalagánap, malagánap, palaganápin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.