KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lí•pat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpunta sa ibang lugar.
Sa makalawa na ang lípat namin sa bagong bahay.

2. Paglalagay ng anumang bagay sa ibang sisidlan.

3. Pagsasalin ng anumang pagmamay-ari sa pangalan ng iba.

Paglalapi
  • • lipatán, lipátan, paglilípat, paglípat, palipát: Pangngalan
  • • ilípat, ipalípat, lumípat, maglípat, malípat, mapalípat: Pandiwa
Tambalan
  • • lípat-báhayPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.