KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•wak

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagiging malaki o maluwang ng anuman.
Ang láwak ng kaniyang kuwarto ay katumbas na ng aming sála.
DÁWAK

2. Tingnan ang sakláw
Imperyalismo hanggang kapitalismo ang láwak ng kaniyang tatalakayin.

Paglalapi
  • • kalawákan, pagláwak, pagpapaláwak: Pangngalan
  • • lawákan, lumáwak, palawákin: Pandiwa
  • • maláwak: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.