KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•bay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Líkaw ng sinulid, himaymay ng abaka, at iba pang kauri.

2. Paglilíkaw ng sinulid at iba pang kauri.

3. Pahilis na pagtatali ng lubid, kable, o anumang matibay na panali sa dalawang haligi ng isang bahay sa paraang ang isang dulo ay nása itaas ng isang haligi at ang isa ay nása ibaba ng kabiláng haligi.

Paglalapi
  • • ilábay, maglábay: Pandiwa
  • • malábay: Pang-uri

la•báy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paghahalo o paglalagay ng tubig o sabaw sa kanin.
BAHÓG

lá•bay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Lagô ng mga sanga at dahon ng halaman o punongkahoy.
YÁBONG

Paglalapi
  • • lumábay: Pandiwa
  • • malábay: Pang-uri

la•báy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MITOLOHIYA Mahiwagang awitin para sa panghuhula at pagtawag sa masamang espiritu.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.