KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•say•sá•yan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
ka+saylaysáy+an
Kahulugan

1. KASAYSAYAN Ulat o salaysay ng mga tunay na pangyayaring naganap sa iba’t ibang panahon sa isang lahi, bayan, o bansa.
ISTÓRYA

2. Biyograpiya ng sarili o ng ibang tao; kuwento ng búhay.
TALÂ

ka•say•sa•yán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
saysáy
Kahulugan

Halaga o kabuluhan ng anumang likás na bagay o likhang tao.
Mahilig siyáng bumili ng mga bagay na walang kasaysayán.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.