KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kar•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carga
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Dalá-dalá o bagahe.

2. Paglululan o pagsasakay ng tao o anumang bagay sa sasakyán.
LOAD

Paglalapi
  • • kargáhan, pangkargá: Pangngalan
  • • ikargá, kargahán, kargahín, kinargá, kinákargá, kumargá, magkargá, pakargahán, pakargá: Pandiwa
  • • kargá-kargá, nakakargá: Pang-uri
Idyoma
  • táong may kargá
    ➞ Táong nakainom ng alak o kayâ lasing na.
    Mahirap makipagtalo sa isang táong may kargá.

kar•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carga
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

MILITAR Bala ng baril o kanyon.
LOAD

kar•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carga
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Gawi ng pantalon na pinatataanan ng mananahi para sa ari ng laláki (ang kargada).

kar•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carga
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

TRANSPORTASYON Pagbibigay-daan sa ibang sasakyán sa pagmamaneho.

kar•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carga
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tubò o patong tulad ng pagpapautang, pagbubuwis, atbp.
CHARGE

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.