KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•ra•ní•wan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Nakasanayang gawi o kaugalian.
Ano ang karaníwan kapag sumasapit ang Pasko sa Pilipinas?

ka•ra•ní•wan

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi nakahihigit sa katangian ng iba.
Karaníwan lang ang suot niyang damit nang magtúngo sa plasa.
KARANÍWANG-KARANÍWAN, KOMÚN, ORDINÁRYO, YÁNO

2. Nabibilang at katulad ng karamihan.
LAGÁP

3. Tingnan ang palasák

Paglalapi
  • • karaníwang-karaníwan, pangkaraníwan : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.