KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•pa•lá•ran

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
pálad
Kahulugan

1. Kalagayan ng isang tao kaugnay ng kaniyang katayuan sa búhay (lalo na hinggil sa mga tagumpay o kasawian).

2. Tawag din sa mga puwersang panlabas na pinaniniwalaang nakaaapekto sa kalalabasan nitó.
Magandang kapaláran ang naghihintay sa táong masikap.
KINÁBUKÁSAN, PORTÚNA, SUWÉRTE, TADHANÀ

Tambalan
  • • sawíng-kapaláranPang-uri
  • ➞ Nása masamáng kalagayan o nagdurusa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.