KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•ga•wa•rán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
ka+gáwad+an
Kahulugan

1. Sangay ng pamunuang tagapagpaganap ng pámahalaán na pinangunguluhan ng kalihim na nagtataguyod sa iba’t ibang kawanihan at tanggapan.
Nagtatrabaho siya sa Kágawarán ng Kalusugan.

2. Bahagi ng isang malaking tanggapan.
Pumunta kami sa opisina ng Kágawarán ng Filipino.
DEPARTAMÉNTO, SANGÁY, DIBISYÓN

Ká•ga•wa•rán ng Ka•lu•sú•gan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Ahensiya sa pamamahala ng sangay ehekutibo ng Pilipinas na may pangunahing tungkuling magkaloob ng serbisyo sa batayang kalusugan ng publiko ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga probisyon sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan at regulasyon sa lahat ng serbisyo at produktong pangkalusugan.
DEPARTMENT OF HEALTH

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.