KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakalapat ng dalawang bagay na dáting magkahiwalay.

2. Pagkakabit o pagkakaakma.

ká•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
cama
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Muwebles na ginawa upang higaán, karaniwang may pahabang balangkas at apat ang paa.
KÁTRE, PÁPAG, HIGÁAN

2. AGRIKULTURA Parihabang súkat ng lupa na karaniwang 1 dangkal ang taas sa kapatagan na pinagpupunlaan o tinataniman ng mga gulay, kabute, atbp.
PUNLÁAN

ka•mâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkakahawak o paghipo nang hindi sinasadya sa isang bagay na marumi.

ka•má

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang akmâ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.