KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•ha de-yé•ro

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caja de hierro
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Kahang-bakal na kadalasan ay pinagtataguan ng pera, dokumento, at iba pang mahahalagang bagay.
KÁHA

ká•ha

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caja
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Maliit na kahon ng sigarilyo.

2. Tingnan ang kahón

3. ANATOMIYA Dibdib o kabuoan ng bahagi ng katawan mula leeg hanggang tiyan o sikmura.

4. Kabinet o lalagyán ng radyo, telebisyon, atbp.

5. Tingnan ang káha de-yéro

Paglalapi
  • • magsakáha: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.