KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

is•tám•bay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
stand by
Varyant
tám•bay
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Táong walang tiyak na hanapbuhay at kadalasang patayô-tayô sa kalye o tindáhan.

2. Pagtayô saanmang pook nang lubhang matagal kaysa karaniwan.

Paglalapi
  • • iistámbay, istambáyan: Pangngalan
  • • umistámbay, mag-istámbay: Pandiwa
  • • nakaistámbay: Pang-uri

is•tám•bay

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Walang trabaho.

2. Tingnan ang tamád

3. Hindi na ginagamit (kung sa isang makina).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.