KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

in•dús•tri•yá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
industria
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Kabuoan ng mga pangkat at gawaing may kinalaman sa pagyari ng mga paninda (gaya ng mga pabrika).

2. Anumang sangay ng negosyo, pangangalakal, o paggawa.

Paglalapi
  • • pang-indústriyá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.