KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

im•bî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
im•bí
Kahulugan

Táong nagkakanulo ng kaniyang bansa o ng pagtitiwala ng ibang kasáma o grupo.
Ikaw palá ang imbî sa ating samahán.
LÍLO, TAKSÍL, TRAIDÓR

Paglalapi
  • • kaimbihán: Pangngalan

im•bî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

SIKOLOHIYA Kasuklam-suklam na hangarin at pagkatao; walang dangal.
Imbíng anak ang nakalilimot sa sariling magulang.
HÁMAK, MARÁWAL

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.