KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•wád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bagay na itinulad sa iba o hindi orihinal.
Ang huwád na sertipiko ay natuklasan agad.

2. Anumang hindi tunay o may panloloko sa pagkayarì.

Paglalapi
  • • huwáran, kahuwád, manghuhuwád, paghuwád, panghuhuwád: Pangngalan
  • • humuwád, huwarán, huwarín, ipahuwád, manghuwád: Pandiwa

hu•wád

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi tunay dahil hindi orihinal o may panloloko sa pagkayarì.
BALUKTÓT, COUNTERFEIT, FAKE, GAGÁD, KÓPYA, PÁLSO, PÁLSIPIKÁDO, PEKÈ

2. Nagpapanggap lámang.
Walang may gusto ng mga huwád na kaibígan.
PEKÈ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.