KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hul•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
horma
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Pagbibigay-hugis sa isang bagay gaya ng sapatos o sombrero sa pamamagitan ng molde.
Ang hulmá ng sombrero ni lola ay maayos pa.
HÚGIS, MOLDÚRA, ORLA

Paglalapi
  • • hulmáhan, paghuhulmá: Pangngalan
  • • hulmahín, humulmá , ihulmá, ipahulmá, maghulmá, mahulmá: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.