KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•wà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. MEDISINA Sugat na maliit na likha ng patalim o anumang kauri nitó.
May dugo pa ang hiwà ng kutsilyo sa kaniyang dalirì.
INSISYÓN, KADLÍT

2. Isa sa mga piraso ng anumang bagay na pinaghati-hati.
Ibigay mo sa batà ang isang hiwà ng bibingka.

3. Pagpiraso o pagggayat sa tinapay, karne, atbp.
Pakuwadrado ang híwang gagawin sa karneng imemenudo.
ATÁDO, GÁYAT, GILÍT, PÚTOL

Paglalapi
  • • paghiwà: Pangngalan
  • • hiniwà, hiniwáan, hiwáan, hiwáin, humiwà, ihiwà, ipahiwà, maghiwà, magpahiwà, mahiwà, paghiwâ-hiwáin, pahiwáan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.