KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•may•máy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mahaba, pino, at mistulang sinulid na nakukuha sa upak ng punò ng abaka o pinya.
Kunin lahat ang himaymáy ng bulak sa loob ng bunga at ihiwalay ang mga butó nitó.
HILATSÁ, HIBLÁ, YAMUNGMÓNG

2. Paghahatak o paghahagot sa mga hibla ng abaka, niyog atbp.

3. Tingnan ang himáy
Inisa-isa niya ang himaymáy sa binásang kuwento kayâ malinaw niya itong naintindihan.

4. Tingnan ang tiwasáy

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.