KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•líng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang dalángin

2. Pakikiusap o pakikisuyo tungkol sa isang bagay na ibig mangyari o makamtan.
Ang hilíng niya sa kasintahan ay makasal muna bago mangibang-bansa.
GUSTÓ, HINAÍNG, HINGÁN, LUHÓG, PAMANHÍK, SAMÒ

3. Dagdag sa binili.
Isang dakot na asing dagdag ang hilíng ko sa biniling isang salop.

Paglalapi
  • • kahilíngan, paghilíng: Pangngalan
  • • hilingán, hilingín, hinilíng, humilíng, ihilíng, mahilingán, mahilíng, makahilíng, pahilingín: Pandiwa
  • • palahilíng: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.