KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•báng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Wala sa maayos na pag-iisip.
SIRAÚLO, BALÍW, BUÁNG

2. Labis-labis ang pagkakagusto sa anuman o sinuman.
HALÍNG

3. Wala sa sarili dahil sa taas ng lagnat.

Paglalapi
  • • kahibangán, pagkahibáng: Pangngalan
  • • ikahibáng, mahibáng, makahibáng, nahihibáng: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.