KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hap•dî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kirot na nadarama kapag may sugat, lalo na kung nalalagyan ng maalat, maasim, o maanghang na bagay.
Ramdam ko ang hapdî ng sugat ko nang mabasâ ang kamay ko.

Paglalapi
  • • paghapdî: Pangngalan
  • • humapdî, pahapdiín, manghapdî: Pandiwa
  • • mahapdî: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.