KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•ngád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Mga bagay na ibig mangyari o gawin; ninanasang matamo.
Ang hangád ko lang ay makatapos ka sa pag-aaral.
ASPIRÁ, BÁLAK, ÍBIG, GUSTÓ, LÁYON, NÁIS, PANGÁRAP

Paglalapi
  • • hangárin, hinahangád, paghahangád: Pangngalan
  • • hangarín, maghangád: Pandiwa
  • • mapaghangád, palahangád: Pang-uri
Idyoma
  • sa paghahangád ng kagitnâ, isáng salóp ang nawalâ
    ➞ Kabiguan sa sobrang paghahangad.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.