KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•bà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Súkat na paayon mula sa magkabiláng dulo ng anuman.
Ang habà ng súkat ng tela ay husto na.

2. Tagal ng pangyayari o pagsasagawa ng anuman.
Ang habà ng pag-uusap nila sa telepono ay tumagal nang tatlumpung minuto.

Paglalapi
  • • kahabáan, paghabà, parihabâ: Pangngalan
  • • habáan, humabà, ihabà, manghabà, mapahabà, pahabáin: Pandiwa
  • • mahabà, pinahabà, pinahabáan : Pang-uri
Idyoma
  • mahabà ang dilà
    ➞ Mapagsabi ng mga bagay na hindi dapat malamán ng iba; madaldal.
    Mahabà ang dilà ng kasambahay mo kayâ dapat kang mag-ingat.
  • mahabà ang pisì
    ➞ Mapagpatawad o nakapagpipigil ng gálit kahit inaapi.
    Mahabà ang pisì ng ina sa kakulitan ng anak.
  • pagmamahábang dúlang
    ➞ Pagpapakasal o pag-aasawa.
    Pinag-uusapan na ng mga magulang nila ang pagmamahábang dúlang ng magkasintahan.

ha•bâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May anyong mahaba o pahaba.
Habâ ang mesang kakasiya sa silid ko.

Paglalapi
  • • pahabáin : Pandiwa
  • • pahabâ : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.